Posts

Showing posts from August, 2020

SHADOW WALKERS: Fact o Fiction

Image
Marahil ay may mga ilan na ang nag-iisip kung posible bang hawakan ng isang indibidwal  ang liwanag at dilim ng sabay.  Paano kung sagutin kita ng oo?  Maniniwala ka ba?  Nagkainteres ka na ba sa usaping bago? Bago tayo pumunta sa usapin, liliwanagin ko lang ang ilang mga bagay.  Pag ang isang nilalang na may kakayahan sa mga bagay na paranormal ay nag-aaral siya ay sinasabing WALKER.  Pag siya naman ay kumikilos na ayon sa kanyang mga napag-aralang magickal, siya ay isa ng WORKER.  Posible ba na ang isang Walker ay sabay na Worker at vice-versa?  Oo posible siya, kung kaya madalas  sa hindi ay napagpapalit ang gamit nilang dalawa.   Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may ilang mga may kakayahan ang lumabas na sa kani-kanilang “bakod”.  Hindi na sila sa dilim.  Hindi na sila sa liwanag.  At lalong hindi sila tumawid bakod na masasabi (meaning from light to dark or dark to light).  Sila ang ilang may kakayahang hu...

DARK PATH (3): Dark Walker - Dark Worker

Image
  Disclaimer:  Ang mga imaheng ginamit sa buong serye na ito ay nagmula sa internet. Nagsimula tayo sa usapin kung ano ang mga Dark Walker (1) at sinundan ng usapang Dark Worker (2), ngayon naman ang usapang ito ay ang pagtatapos sa   pagkukumpara at pagkakaiba ng dalawang klase na nasasabing nasa dark path.   Sa mga hindi nakabasa ng usapang Dark Walker , ang ito ay isang klase ng mga may kakayahang paranormal (psychic at magickal) na kung saan sila ay umiiba ng landas para sa pagpapalago ng kanilang kaalaman at kakayahan.   Kaya sinabing walker ay sa kadahilanang ang kanilang tinatahak ay sinasabing bawal at wala sa mga normal na pag-aaral.   Ang mga Dark Workers naman ay isang klase ng mga may kakayahang paranormal (psychic at magickal) na kung saan ang enerhiya na kanilang ginagamit ay nagmumula sa kadiliman o darkness.     Bago pa tayo lumalim ng usapan, ang magick ay may iba’t ibang source of energy at ito ay ang mga sumusunod: air,...

DARK PATH (2): Dark Workers

Image
Disclaimer:  Ang artikulong ito ay isinulat base sa pagkakaunawa at pagkukumpara ng ilang materyales patungkol sa usaping tinatalakay. Inimumungkahi na buksan anng kaisipan at pag-unawa habang binasa ito. Ang mga imaheng ginamit ay nagmula sa internet.   DARK WORKERS   Tulad ng isang light worker and dark worker ay inate ang nature.  Ibig sabihin ay yun na ang kanilang naturalesa.  Kung ano ang light worker ay siya namang opposite si dark worker.  Pero sadya bang magkasalungat ang dalawa o iba lang ang pagkakakita natin dito?  Sa puntong ito, at aaminin ko, maraming magtataas ng kanilang kilay sa mga susunod na mababasa niyo.   Ang light worker ayon sa madalas na nasusulat, nasasabi at pinapakita ay inert o natural lang sa kanila ang paggawa ng mabuti.  Tama at totoo yun.  Kung opposite ni light worker si dark worker, ibig bang sabihin niyon na likas na masama siya?  Ang sagot ko, oo at hindi....

DARK PATH (1): Dark Walkers

Image
  Disclaimer:   Ang artikulong ito ay isinulat para mabigyang linaw ang ilang mga bagay patungkol sa usaping Dark Walkers.   Ang  mga imaheng ginamit ay nagmula sa web.   Marami sa atin ang pagsinabing karunungang itim ay iisipin na ito ay masama at dapat iwaksi.   Maaring tama kung ito ay titignan lang natin sa isang angulo lamang.   Pero para maging mas malinaw ang lahat, isang tanong ang dapat muna nating sagutin.   Sa puntong ito, para maintindihan ang kasagutan ay kinakailangan na buksan natin an gating kaisipan.   Iisang tabi muna ang sinasabing prejudices sa mga bagay-bagay.   Ang Dark Walkers o sinasabing may kaalaman sa karunungang itim at nasa dark path ay tulad din ng ibang tao na may kakayahang paranormal (psychic at magick).   Sila ang tinatawag na mga gifted o talented sa tema ng siyensa.   Sila ang mga nilalang na tinutulak ang sarili na tahakin ang daan tungo sa karunungang hindi sakop ng kanilang unang ...

GHOST MONTH / HUNGRY GHOST MONTH FESTIVAL, ANO ITO?

Image
  Isa sa kaugalian ng lahing Chinese ay ang pag obserba ng sinasabing Hungry Ghost Month Festival. Ito ay nagsisimula sa unang araw ng ika-pitong buwan ayon s a Lunar Calendar (HINDI GRECO-ROMAN CALENDAR).   Tuwing Hulyo – Septembre ay ang sinasabing Petsa de Diablo na masasabi dahil sa panahong ito pinakakawalan ang mga kaluluwa ng yumao ng dahil sa aksidente, sakuna o sa kahit na akong hindi normal na mamaraan kung kaya hindi sila pwede pang mabuhay   muli (reincarnation).   Ayon sa ilang pinaniniwalaang alamat sa Tsina, ang unang araw tuwing ika-7 buwan ay siyang kaarawan ng hari ng impierno, base sa Taoism, kung kaya binubuksan ang pintuan nito para magbakasyon ng pansamantala ang mga kaluluwa.   Sa Buddhism naman, ito ay ang panahon na kung saan maaring magkaroon ng oportunidad ang mga buhay na tulungan ang mga kaluluwa na mabawasan ang kanilang panahon ng paglilinis.   Dahil na din sa iisang lahi lang umiikot ang dalawang nasabing relihiyon, ang ...

Ganesha Hindu God of Wisdom and Prosperity

Image
  Sa kalendaryo ng mga Hindu, ang araw ngayon Agosto 22, 2020 ay simula ng sinasabing Ganesh Chaturthi .   Ito ay isang celebrasyon para sa isang anak ni Shiva na si Panginoong Ganesha – kinikilalang panginoon ng mga bagong pagsisimula o taga alis ng mga balakid, karunungan at prosperidad.   Ito ay pumapatak kundi Agosto ay Septembre sa kalaendaryo ng mga Greyego at pinagdidiwang ng 10 araw.   Sino si Ganesha ?   Sa paniniwala ng mga Hindu, si Ganesha ay anak nina Panginoong Shiva at Diyosa Parvati at kapatid ni Karthikeya – panginoon ng digmaan.   Ayon sa mga lumang teksto, sinasabi na si Parvati ay pumunta sa isang batis para maligo.   Doon ay humubog siya ng isang katawang tao gawa sa kalupaan at binigyan niya ng buhay sa pamamagitan ng paghinga dito.   Siya ang ginawang bantay ni Parvati habang siya ay naliligo dahil si Shiva na kanyang asawa ay nasa kanyang paglalakbay.   Habang nagbabantay si Ganesh ay biglang dumating si Shiva....