SHADOW WALKERS: Fact o Fiction



Marahil ay may mga ilan na ang nag-iisip kung posible bang hawakan ng isang indibidwal  ang liwanag at dilim ng sabay.  Paano kung sagutin kita ng oo?  Maniniwala ka ba?  Nagkainteres ka na ba sa usaping bago?


Bago tayo pumunta sa usapin, liliwanagin ko lang ang ilang mga bagay.  Pag ang isang nilalang na may kakayahan sa mga bagay na paranormal ay nag-aaral siya ay sinasabing WALKER.  Pag siya naman ay kumikilos na ayon sa kanyang mga napag-aralang magickal, siya ay isa ng WORKER.  Posible ba na ang isang Walker ay sabay na Worker at vice-versa?  Oo posible siya, kung kaya madalas  sa hindi ay napagpapalit ang gamit nilang dalawa.

 

Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may ilang mga may kakayahan ang lumabas na sa kani-kanilang “bakod”.  Hindi na sila sa dilim.  Hindi na sila sa liwanag.  At lalong hindi sila tumawid bakod na masasabi (meaning from light to dark or dark to light).  Sila ang ilang may kakayahang humawak ng liwanag at dilim ng sabay.  Hindi ito simpleng palitan ng paggamit lamang kundi sabay.  Two opposing energies in one body.  Mahirap paniwalaan ba?  Hindi ako magtataka kung yon ang reaksyon niyo pero susubukan kong ipaliwanag kung paano ito nagkatotoo.

 

Tulad ng nabangit ko sa isang artikulo kong sinulat, may iba’t-ibang maaring pagkuhaan ng enerhiya ang isang gumagamit ng majicka o magick.  Andyan ang tubig, apoy,  hangin, lupa, liwanag at kadiliman.  Kung inyong pagtatapat-tapatin ay makikita na sila ay masasabing balanse ng isa’t-isa; lupa at hangin, apoy at tubig, liwanag at kadiliman.  Pagsinabi nating balanse ng bawat isa, ibig sabihin ay kaya nitong tapatan ang lakas na bigay ng isa.  Kung ilalagay sila sa isang panukat, pagnagtagpo sila ito ay nasa “0” o zero – walang nakakalamang.  Pantay.

 

Ang ideya ng kakayahang tinutumbok ko ay nagmula sa isang analohiya na ibinigay sa akin ilang dekada na ang lumipas at ito ay:

“Isipin mo bote na plastic (pep bottle)at sa isang side niya apoy na binubuga habang sa kabila naman ay yelo, ano kalalabasan nung bote?”

Kung ang sagot niyo ay tunaw ang bote, tama ka.  Kung ang sagot mo naman ay sira ang bote, mas tama ka dahil ang init at lamig na dinadaanan nito ng sabay ay nakakasira ng molecular structure ng isang gamit.  Kung kaya imposible ang kaisipang hawak ng isa ang dalawng magkasalungat na lakas.  Pero possible ba ito? 

 

Tama ang kaisipan na salitan sa paggamit ng magkataliwas na enerhiya para manatiling buhay ang gumagawa nito. Hawak mo pareho; pagkagamit mo ng isa ay iyong isa naman.  Para kang switchboard sa ganoong kalakaran,  On and off lang ang peg mo.  Ito ang masasabing starting phase ng isang nasa Shadow Walk.  Ano ba ito at ano ang kaibahan nito sa sinasabing Pure Light o Dark Workers?


Ang Pure Light o Dark Workers ay gumagamit ng enerhiya mula sa kanilang respective sources.  Purong liwanag o dilim lang ang gamit nila.  Samantalang ang Shadow Walk na aking sinasabi ay gumagamit ng liwanag at dilim pareho.  Sa simula ay maaring palitan ang paggamit pero pagnagtagal ay kakayanin na sabay.   Tulad ng paggamit ng Light at Dark, may sinasabi itong body toll o bayad ng katawan ng gumagamit.  Kung hindi naidesenyo ang katawan ng gagamit ng tama, maaring sa tuwing gagamit siya ng kanyang  kakayahan ay siya ay manghina o magkaroon ng hindi kaayaayang reaksyon ang kanyang katawan.

*Ang isang individual na nasa Shadow Walk ay isang Worker din pero hindi sila tinatawag na shadow worker.

 

Kung ang isang gumagamit ng magick ay basta na lamang gagamit at hindi niya alam ang kanyang kapasidad maaring masobrahan siya ng gamit at magresulta ito ng sinasabing burnout.  Kung sa isang normal na tao, ito ay ang nararamdaman mo pag ikaw ay sobrang bugbog na sa iyong ginagawa.  Ang madalas na gawin ng karamihan ay magpapahinga muna para makapagpahinga ang katawan at utak.  Totoong nakakatulong ang pagpahinga pero kulang ito.  Sa iba naman, dinadaan sa kain ang pamamaraan para maka cope-up sa burnout stage (kung kaya hindi maiwasan na ang ibang gumagamit ng magick ay nagiging mataba).  Samantala naman ang iba ay ang pinagsamang pamamahinga at pagkain ang gawain.  Kung hindi maaagapan ang isang burnout (depende sa antas ng pagkaburnout nito), ito ay maaring magresulta ng pagkawala ng kakayahan, pagkabaliw, malformation ng katawan o lost ng sense(s), sakit at pagkamatay.

 

Kung ang burnout ay normal sa isang gumagamit ng magick na mula sa isang source , isipin mo na lamang kung ang gamit mo ay dalawa at magkataliwas na klase ng enerhiya pa sila.  Dito pumapasok ang concepto at practice ng iba sa paggamit ng isang gamit na magsisilbing medium to channel o harness the energy (pamamaraan para magamit o maiderehe ang enerhiya na ginagammit o gagamitin) tulad ng crystals.  Ang mahirap lang sa ganitong kasanayan ay nagiging dependent ang isang practitioner sa paggamit nito without further developing oneself.

 

Posible ba ang Shadow Walk?  Ang sagot ko, OO.

 

Para sa mga nasa liwanag na napunta sa dilim at bumalik sa liwanag, hawak o may kakayahan na silang humawak ng energiya mula sa liwanag at dilim.  Alam na nila kung paano ito gamitin.  Alam na nila ang pakiramdam nito sa katawan at ang sinasabing do’s and don’ts nito.  Ang isang importanteng bagay dito ay hindi lang ang kakayahang humawak bagkus ang pag-unawa ng lakas at kahinaan ng bawat isang enerhiya na kanyang ginagamit.  Ang purpose at functions nito.  Ang tama at mali nito sa pananaw ng iba.  Lahat ng ito ay nakita at nakikita niya AT NAUUNAWAAN.  Kung kaya ninais niya na lumabas sa “bakod” ng simpleng liwanag o dilim at tumayo sa gitna nito.  Yan ang pinakamahalaga sa isang nasa Shadow Walk.


Dahil sa stress ng paghawak ng liwang at dilim sa katawan, andiyan ang maaring maging epekto nito sa katawan at buhay.  Dito nagpapatunay na ang magick ay hindi lang basta lakas kundi pamamaraan din ng pamumuhay o buhay.  Para maintindihan mo ang hawak mo na enerhiya, kailangan na ang pamamaraan mo sa buhay ay mag echo dito.  Para maunawaan mo ito ay ipapaunawa din sa iyo ang sarili mo sa buhay na ginagalawan mo.  Kung kaya ang pag-aral ng magicka ay hindi biro, lalo na kung nakita at naintindihan mo ang lahat  ng angulo ng hawak mong enerhiya.

 

Ibabalik ko lang sa orihinal na tanong ulit, totoo bang may mga nasa Shadow Walk?  Posible ba talaga ito?  Ang sagot ko, depende sa pagkakaunawa niyo sa mga bagay-bagay.

Comments

Popular posts from this blog

DARK PATH (2): Dark Workers

HOBBLE, CANE AND A PEN _ My Life as a PWD