DARK PATH (1): Dark Walkers
Disclaimer: Ang artikulong ito ay isinulat para mabigyang linaw ang ilang mga bagay patungkol sa usaping Dark Walkers. Ang mga imaheng ginamit ay nagmula sa web.
Marami sa atin ang pagsinabing karunungang itim ay iisipin na ito ay masama at dapat iwaksi. Maaring tama kung ito ay titignan lang natin sa isang angulo lamang. Pero para maging mas malinaw ang lahat, isang tanong ang dapat muna nating sagutin. Sa puntong ito, para maintindihan ang kasagutan ay kinakailangan na buksan natin an gating kaisipan. Iisang tabi muna ang sinasabing prejudices sa mga bagay-bagay.
Ang Dark Walkers o sinasabing may kaalaman sa karunungang itim at nasa dark path ay tulad din ng ibang tao na may kakayahang paranormal (psychic at magick). Sila ang tinatawag na mga gifted o talented sa tema ng siyensa. Sila ang mga nilalang na tinutulak ang sarili na tahakin ang daan tungo sa karunungang hindi sakop ng kanilang unang kaalaman. Ika nga, sila ang naglakas loob na umalam ng mga bagay-bagay na hindi saklaw ng isang may kaalaman sa mga bagay—bagay. Kung kaya sila ay tinatawag na Dark Walker, ang pagtahak sa daan patungo sa kaalaman at karunungan na wala sa orihinal na kasanayan.
Bakit sinasabing masama ito? Dahil hindi sakop ng nakakaalam ang kaalamang hanap ng isang walker, ay may takot sila patungkol dito. Kapag may takot, doon pumapasok ang kaisipan na ito ay hindi mabuti at masama. Pwede din na ang takot ay may basehan dahil may naganap na noon kung kaya ito ay pinagbabawal at inalis sa aralin, kung kaya ito ay nasabing masama. Ang sino man na naghahanap ng bawal ay nagiging o mapupunta din sa masama.
Ano- ano ang kakayahan ng isang Dark Walker?
Tulad ng ibang gifted, sila din ay masasabing may psychic abilities ( EX: empathy, clair-talents, telekinetic, etc). Ang kaibahan lang ay kung paano nila ito ginagamit para humasa at maging mas pa sa kanilang pangkasalukuyang kakayahan. Halimbawa ikaw ay isang empathy – isang nilalang na amy kakayahan na makadama ng emosyon ng ibang tao kung kaya nagagawa mong magpagaling ng mga sinasabing emotional baggages sa pamamaraan na hindi nakakasama sa may baggage. Ang gagawin mo ay babawasan mo ang trauma at emotional scars nito. Para sa isang Dark Walker na may empathic capabilities, ang gagawin niya ay ilalabas niya ang negative emotions mo at itutulak ka na harapin ito. Kung magawa ng may emotional baggage na harapin ang negative emotions niya at lagpasan ito, then ang nasabing baggage ay mababalewala (positive side effect) ngunit kung ito ay hindi makayanan ang emotional baggage ay magiging malalim na sugat na ikasasama ng may emotional baggage. Sa Dark Walker na may empathy, ito ay wala lang sa kanya at masasabi niya na “hindi niya kinaya eh.” Hindi mahilig maghinay-hinay ang isang Dark Walker. Dahil sa angking kaalaman sa mga bagay-bagay, ang isang Dark Walker ay nakakadama ng kasinungalinan sa paligid at hindi sila apektado nito. Maaaring tawanan lang nila ito o di kaya gamitin to their advantage ang mga bagay-bagay para mas dumagdag ang kanilang kaalaman at lumawak ang kanilang kakayahan.
Tulad ng isang light walker/worker, sila ay parte ng sinasabing balance sa mundong ating ginagalawan. Ano sa tingin mo ang katauhan mo?

Comments
Post a Comment