DARK PATH (2): Dark Workers
Disclaimer: Ang artikulong ito ay isinulat base sa pagkakaunawa at pagkukumpara ng ilang materyales patungkol sa usaping tinatalakay. Inimumungkahi na buksan anng kaisipan at pag-unawa habang binasa ito. Ang mga imaheng ginamit ay nagmula sa internet.
DARK WORKERS
Tulad ng isang light worker and dark worker ay inate ang nature. Ibig sabihin ay yun na ang kanilang naturalesa. Kung ano ang light worker ay siya namang opposite si dark worker. Pero sadya bang magkasalungat ang dalawa o iba lang ang pagkakakita natin dito? Sa puntong ito, at aaminin ko, maraming magtataas ng kanilang kilay sa mga susunod na mababasa niyo.
Ang light worker ayon sa madalas na nasusulat, nasasabi at pinapakita ay inert o natural lang sa kanila ang paggawa ng mabuti. Tama at totoo yun. Kung opposite ni light worker si dark worker, ibig bang sabihin niyon na likas na masama siya? Ang sagot ko, oo at hindi. Eto ang kadahilanan kung bakit ko nasabi yun. Ang Dark Worker ay mga nilalang na may kakayahan na gamitin ang enerhiyang mula sa kadiliman (darkness). Kung si Light Worker ay sa liwanag ang enerhiya si Dark ay sa dilm. Sa puntong ito ay sumusunod pa tayo sa pananaw ng balance at opposite pole. Base sa ilang pagbasa at pag-analisa ng mga bagay-bagay, hindi ibig sabihing pag liwanag ang gamit mo ay mabuti ito at pag dilim ay masama na ito kagaad. Bago niyo ako tuligsain ay basahin pa muna ang mga nakasulat.
Kung inyong mamarapatin, ang pagiging panatiko (fanatic) ang isa sa magandang halimbawa patungkol dito. Base sa historia ng mundo, ang fanaticism o ang sinasabing sobrang paghanga at pagsunod sa isang tao, idea o sistema ay hindi tama. Madaming hindi magandang naganap sa ating panahon ang nagmula sa pagiging panatiko. Para sa kanila ang kanilang ginagawa ay tama at hindi masama, kahit na ang resulta ay kasiraan ng mga bagay-bagay. Hal: Paglaganap ng Kristianismo during the Dark Ages (European Witch Hunt) at sa New World (America). Para sa kanila ito ay para sa kadakilaan at ang dala o hawak nila ay liwanag. Ang katotohanan: 70-85% ay biktima lamang ng maling paratang. Isa pang halimbawa kung mamarapatin at ito ay isang analogiya. Hindi lahat ng halaman ay nabubuhay sa liwanag o direct sunslight. Merong ibang halaman na kailangan ang lilim (shade) o ang dilim para sila ay mabuhay. Kung ang halaman ay nasa direct sunlight ito ay mamamatay. Sa pananaw na ito, makikita na hindi lahat ng nasa dilim ay hindi tama dahil may buhay na nagaganap at hindi lahat ng dulot ni liwanag ay kabutihan.
Ang paggamit ng liwanag o dilim ay hindi magdidikta kung ito ay mabuti o masama, Nasa kung paano ito ginagamit.
Paano mo malalaman kung ang isang gifted sa magick ay isang masasabi na Dark Worker? Kung ang sinasabing tao ay may nilalabas na dark energy. Ano ba ang dark energy? Iba ang dark energy sa negative energy, tandaan. Magkaiba sila. Ang negative energy ay isang tipo ng enerhiya na makakadama ka ng takot, pagkabalisa o di kaya pagkalumo. Ang dark energy ay isang klase (hindi tipo) ng enerhiya na mula sa dilim (darkness). Wala kang mararamdamang masama dito. Ang maaari mo lang maramdaman ay ang lakas nito base sa kakayahan ng gumagamit at ang temperatura nito. Oo, may ibang temperature ang dark energy. Kung ang light energy ay may init, ang dark energy naman ay lamig – to the point of being numb ika nga. Tulad ng light, ang sinasabi kong lakas base sa reaksyon ng iyong katawan pag ikaw ay nasa paligid ng isang malakas gumamit ng majicka o magick. Andyan ang hilo, alog ng katawan at posibleng saglit na pagtigil ng paghinga, mga bagay na nararamdaman ng isang tao pag may nakasama silang malakas sa larangan ng magick (regardless if light or dark user).
Masama ba ang mga Dark Workers?
Tulad ng isang tipo ng lahi, may masama at may mabubuti din sa kanila. Hindi lahat masama. Katulad ng light workers, hindi lahat mabuti. Dito papasok sa usapan ang kadahilanan kung bakit ginawa ang isang bagay at ang resulta nito. Dito din pumapasok sa usapin ang mga linyang “the end justifies the means” at moral issues. Kung ang isang tao ay gumagamit ng liwanag at dahil may gusto siyang mangyari, ginamit niya ito para maganap ang gusto niya pero kasama dito ang pagkawala ng isang tao na nagsisilbing harang sa kanyang pananaw, ito ba ay tama? Kung ang isang tao na ang gamit ay dilim at ginagamit niya ito para itago ang kanyang lugar mula sa mapagtuligsang mga tao na makakaepekto sa kanyang mga kalapit bahay, masama na ba siya? Ikaw ang sumagot sa mga katanungan na ganyan at sabihin mo sa akin kung masama ba ang isang Dark Worker.
Kung ang isang indibidwal ay gumagamit ng dilim at ginagamit niya ito para sa sariling kapakanan at wala siyang pake sa kaligtasan o sa magiging epekto ng gagawin niya sa ibang walang kamuwangmuwang siya ay ang masasabi mong Pure Dark Worker. Kung ang isa namang gumagamit ng kapangyarihan galing sa dilim ay para sa ikabubuti ng iba at hindi para sa pansariling kapakanan, siya ay ang tinatawag ng Dark Energy Worker. Parehong dark worker, magkaiba ng pananaw.
Ikaw, ano ka sa kanila?

Comments
Post a Comment