Ganesha Hindu God of Wisdom and Prosperity

 

Sa kalendaryo ng mga Hindu, ang araw ngayon Agosto 22, 2020 ay simula ng sinasabing Ganesh Chaturthi.  Ito ay isang celebrasyon para sa isang anak ni Shiva na si Panginoong Ganesha – kinikilalang panginoon ng mga bagong pagsisimula o taga alis ng mga balakid, karunungan at prosperidad.  Ito ay pumapatak kundi Agosto ay Septembre sa kalaendaryo ng mga Greyego at pinagdidiwang ng 10 araw.

 

Sino si Ganesha?

 

Sa paniniwala ng mga Hindu, si Ganesha ay anak nina Panginoong Shiva at Diyosa Parvati at kapatid ni Karthikeya – panginoon ng digmaan.  Ayon sa mga lumang teksto, sinasabi na si Parvati ay pumunta sa isang batis para maligo.  Doon ay humubog siya ng isang katawang tao gawa sa kalupaan at binigyan niya ng buhay sa pamamagitan ng paghinga dito.  Siya ang ginawang bantay ni Parvati habang siya ay naliligo dahil si Shiva na kanyang asawa ay nasa kanyang paglalakbay.  Habang nagbabantay si Ganesh ay biglang dumating si Shiva.  Dahil hindi nila kilala ang isat-isa ay hinadlangan ni Ganesha si Shiva na tumuloy na kinagulat ng Panginoong Shiva. Isang bata ang humarang sa kanya at buo ang loob na sabihing siya ay anak ng kanyang asawa – bagay na kinagalit ni Shiva.  Kung kaya tinawag niya ang kanyang lupon ng mga deamons* para kalabanin ang batang bastos sa kanyang harapan.  Dahil may angking kakaibang lakas ang batang Ganesha ay nakayanan nitong kalabanin ang lupon o hukbo ni Shiva kung kaya sila ay nagbuno.  Habang sila ay naglalaban ay pumagitna si Vishnu – Maya para pigilan sila ngunit ito ay nagresulta ng pagkapugot ng ulo ng batang Ganesh.  Dahil sa nadidinig na kaguluhan ay dagli-dagling pumunta si Parvati at nalugmok ng nakitang pugot ang ulo ng kanyang anak.  Dito nalaman ni Shiva ang buong katauhan ni Ganesh at dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa, ay pinag utos niya ang paghanap ng isang bagong patay na tao na siyang kukunan ng ulo ng bata. Dahil walang makitang taong kamamatay lamang at isang kamamatay na elepante ang unang nakita noon kung kaya eto ang naging bagong ulo ni Ganesh.  Bilang pagkilala ni Shiva sa batang Ganesh na anak niya ay ito ay ginawa niyang pinuno ng kanyang hukbo.

**

Hindi lang sa India kinikilala si Ganesh. Maging sa Thailand, Afghanistan, Japan o saang lugar merong Budhismo tulad ng Cambodia at China (oo, kasama siya sa o kinilala siya sa Buddhism).  Dahil dito ay madaming mga klaseng ng imahe ni Ganesh ang nakikita sa Asia hindi lang sa India o sa bahay ng isang Indiano.  Kilala din si Ganesha sa pangalang Kangi Ten (Japan)  Prah Kenes (Cambodia)  at Shakti-Ganapati (ang female version niya sa Vindhyas).

  

Kung kukuha o makakakuha ng isang imahe ni Ganesha ay nararapat lamang na malaman niyo ang mga sumusunod na mga bagay para maanyayahan niyo ang positive energies niya.

 

GANESH IDOL DETAIL

BAHAY / HOME

TEMPLE

Trunk Position

Left

Right

Body Position

Standing o seated

Dancing

Tusk

Left (Emotions)

Right (knowledge)

Double

Wag ilagay ang imahe ni Ganesh kung saan ang likod niya ay nakaharap sa front door, kwarto o pader ng banyo.

Material

Purpose

Favorable Direction

NOT

Clay

Removes obstacle.  Brings health and success.

 

SW

N

W

Wood

Health and Success.

N

NE

E

SE

Copper

To have a child.

Fulfillment of dreams.

E

S

SW

NW

Silver

Fame

W

SE

NW

SW

S

*homify interior.com

Narito din ang susunod na celebrasyon para sa kanya sa susunod na dalawang taon.

YEAR

Start of Ganesh Chaturthi

Anant Chaturdashi (End Day)

2020

August 22

August 31 / September 1

2021

September 10

September 19

2022

August 31

September 9

 

Si Ganesha ay mahilig sa matatamis kung kaya ang madalas na iaalay at “ipakain” sa kanya ay pulot (honey) at tubig lamang.  May ilang kwento din sa kanya kung bakit iisa lang ang kanyang tusk o pangil at ano ang bahagi niya sa usapang pagbilog ng buwan (waxing and waning of the moon).

**

Maganda bang maging “patron” si Ganesha?  Kayo ang makapagsasabi niyan at hindi ako.

 

Comments

Popular posts from this blog

DARK PATH (2): Dark Workers

SHADOW WALKERS: Fact o Fiction

HOBBLE, CANE AND A PEN _ My Life as a PWD