SHADOW WALKERS: Fact o Fiction
Marahil ay may mga ilan na ang nag-iisip kung posible bang hawakan ng isang indibidwal ang liwanag at dilim ng sabay. Paano kung sagutin kita ng oo? Maniniwala ka ba? Nagkainteres ka na ba sa usaping bago? Bago tayo pumunta sa usapin, liliwanagin ko lang ang ilang mga bagay. Pag ang isang nilalang na may kakayahan sa mga bagay na paranormal ay nag-aaral siya ay sinasabing WALKER. Pag siya naman ay kumikilos na ayon sa kanyang mga napag-aralang magickal, siya ay isa ng WORKER. Posible ba na ang isang Walker ay sabay na Worker at vice-versa? Oo posible siya, kung kaya madalas sa hindi ay napagpapalit ang gamit nilang dalawa. Lingid sa kaalaman ng nakakarami, may ilang mga may kakayahan ang lumabas na sa kani-kanilang “bakod”. Hindi na sila sa dilim. Hindi na sila sa liwanag. At lalong hindi sila tumawid bakod na masasabi (meaning from light to dark or dark to light). Sila ang ilang may kakayahang hu...