DARK PATH (3): Dark Walker - Dark Worker

 Disclaimer:  Ang mga imaheng ginamit sa buong serye na ito ay nagmula sa internet.



Nagsimula tayo sa usapin kung ano ang mga Dark Walker (1) at sinundan ng usapang Dark Worker (2), ngayon naman ang usapang ito ay ang pagtatapos sa  pagkukumpara at pagkakaiba ng dalawang klase na nasasabing nasa dark path.

 

Sa mga hindi nakabasa ng usapang Dark Walker, ang ito ay isang klase ng mga may kakayahang paranormal (psychic at magickal) na kung saan sila ay umiiba ng landas para sa pagpapalago ng kanilang kaalaman at kakayahan.  Kaya sinabing walker ay sa kadahilanang ang kanilang tinatahak ay sinasabing bawal at wala sa mga normal na pag-aaral.  Ang mga Dark Workers naman ay isang klase ng mga may kakayahang paranormal (psychic at magickal) na kung saan ang enerhiya na kanilang ginagamit ay nagmumula sa kadiliman o darkness. 

 

Bago pa tayo lumalim ng usapan, ang magick ay may iba’t ibang source of energy at ito ay ang mga sumusunod: air, water, fire, earth, light and darkness.  Ang unang apat na nabangit ay may iba’t ibang antas (level) din ito: primary, secondary at tertiary.  Habang ang huling dalawang nabangit naman ay isa-isa lamang ang kategorya ngunit madaming klase (type).

 

Alin ang mas nakakahigit, ang pagiging Walker ba o ang Worker?

 

Kung sa usapang kaalaman at posibleng kakayahan, maaaring makalamang ang isang Walker sa Worker dahil mas madami itong nalalaman (broader knowledge base).  Kung usapang kapangyarihan, regardless of level of mastery, maaring masabi na nakalalamang ang isang Worker kaysa Walker.

 

Posible ba na ang isang Walker ay maging Worker at vise-versa?

 

Kung ikaw ay isang practitioner ng magick at naghanap ka pa ng kaalaman labas sa iyong scope o normal na ginagalawan, maaari ka ng matawag na Dark Walker.  Habang naghahanap ka ng kaalaman ay nagsimula kang bumali ng sinasabing tenets ng  una mong pinag-aralan at pinagsanayan, ikaw ay unti-unti ng nalululong sa tinatawag  na hunger for power and knowledge.  Sa pagkakataong ito, ano man ang orihinal na kulay ng iyong magickal aura ay nagkakaroon na ng kadiliman.  Oras na ikaw ay lulong na sa kapangyarihang bigay ng iyong mga napag-aralan, ikaw ay maari ng masabing Dark Energy Worker dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.  Nagbago ba ang kanyang aura? Oo.  Nagbago ba ang kanyang source, malaki ang posibilidad na OO. (naaalala pa ba ang kaibahan ng Pure Dark Worker at Dark Energy Worker?)*Prt2 .

 

Kung ang isang tao ay isang Dark Worker at naisipang gamitin ang kakayahan niya sa ikakaayos ng lugar (balance and order – basic magickal tenet) siya ay masasabing Dark Energy Worker dahil ang kapangyahiran niya ay galing pa din sa dilim kahit na ang ginagawa niya ay hindi masama.  Ngayon, kung gumagawa siya ng patuloy na pagsasaayos ng lugar, ang magick source niya ay sa dilim (darkness) pa din pero ang kanyang magickal aura ay hindi na itim.  Nagbago ba ang kanyang source? Hindi.  Nagbago ba ang kanyang aura? Oo.

 

Walang masama kung ang isang tao ay maghahanap ng dagdag na kaalaman.  Walang masama kung ang mga bagong kaalaman ay pagmunihan at busisihin ng todo para maintindihan ng lubusan.  Hindi din problema kung ang kinukunan mo ng lakas ay mula sa hindi naiintindihan ng iba o di kaya ay may misconception sila pa tungkol dito.  Ang mahalaga ay kilala mo ang sarili mo sa simula at tapos ng iyong paglalakbay at alam mo ang tama at mali (morally speaking).

Comments

Popular posts from this blog

DARK PATH (2): Dark Workers

SHADOW WALKERS: Fact o Fiction

HOBBLE, CANE AND A PEN _ My Life as a PWD